A Tribute to Joy

Today is the 9th day of what is the 11th but was originally the 9th month in the ancient Roman Calendar. The name November comes from the Latin “nove” meaning nine. Today also happens to be the day for the “siyaman” (Tagalog for the novena or 9-day prayers for the departed, a Filipino Catholic tradition) for the late Dr. Jocelyn E. Eusebio, who we had fondly called “Joy” who passed away five minutes before the midnight of last 01 November, a day celebrated as a holiday in the Philippines – All Saints’ Day. On the request of friends and colleagues, I am posting here the tribute that I delivered last Wednesday, 07 November, on behalf of the Pest Management Council of the Philippines as well as the Philippine Association of Entomologists. It is in Tagalog (Filipino) and I hope to update this soon with an accompanying English Translation for the sake of Joy’s friends and colleagues from abroad.

10259843_10202776808275563_5109338691883472327_n
Always elegant especially in Filipiniana, just before the Opening Ceremonies of the most recent PMCP Conference in Cebu City

PARANGAL KAY JOY (EUSEBIO) 

Dr. Reynaldo V. Ebora, Executive Director of PCAARRD; Dr. Feliciano B. and Mrs. Delia Calora, BSU President Calora, Dr. Villar, Mr. Barcelona, friends here in PCAARRD including Mam Edna, Tin, Kim et al.; fellow members of PAE, colleagues in the PMCP and its affiliated societies: Good morning!

 Please allow me to read this short Tribute to Joy in Filipino as I speak before you today on behalf of the Pest Management Council of the Philippines as its current President as well as on behalf of the Philippine Association of Entomologists as its current Vice-President. [Our PAE President is currently on official trip attending a workshop in Tagaytay.]

Sa mga anak at mga apo, mga kapatid at sa buong angkan ng mga Eusebio lalo na dito sa Los Baños, mga kapita-pitagang panauhin, mga pinuno at kagawad ng PCAARRD-DOST, mga kaibigan at kasamahan sa serbisyo sa gobyerno at sa Unibersidad, Magandang umaga po!

Sa ngalan po ng mga kasapi at ng pamunuan ng Pest Management Council of the Philippines o PMCP, ganundin sa ngalan ng aming pangulo, mga kasama ko rin sa pamunuan at lahat ng kapwa ko kasapi sa Philipping Association of Entomologists, Inc. o PAE, hayaan po ninyong basahin at ipahayag ko ang pinag-isang parangal naming ito para kay Dr. Jocelyn E. Eusebio o mas kilala natin sa palayaw na Joy.

Naging isang matapat at masipag na kasapi ng PAE si Doc Joy na laging maaasahan sa mga gawaing pangkomite at pang-organisasyon. Naging Pangulo s’ya ng PAE sa unang pagkakataon noong 2003-2004. Kahit alam nating lahat kung gaano s’ya ka-busy o abala sa pagiging Director ng Crops Research Division ng PCAARRD, palagi may bahagi sa kanyang puso, isip, at gawa ang PAE. Isang halimbawa ay noong 2010 na kinailangan kong magbitiw sa pagka-Bise-Presidente dahil sa hindi inaasahang pagkabulag ng aking kanang mata at mga kaugnay nitong pangyayari, buong-puso niyang tinanggap ang aking naiwang tungkulin kung kaya’t muli siyang naging Pangulo ng PAE noong 2011-2012. Bago pa siya naging Pangulo nang dalawang beses ay aktibo na rin siya sa iba’t ibang posisyon, tungkulin at mga gawaing pangkomite at sa Executive Board. Noong 2008, bilang pagkilala sa kanyang natatangi at kapuri-puring mga ginawa bilang entomologist lalo na sa mga pag-aaral n’ya sa host plant resistance ng broad mite na isang invasive pest species na umaatake sa patatas, talong, atbp. at sa kanyang dedikasyon bilang research administrator lalo na sa PCAARRD-CRD, ginawaran s’ya ng PAE ng LB Uichanco Award sa kategorya ng non-academic achievements. Ang kategoryang ito ay tinatawag na ngayon bilang Feliciano B. Calora Award for Outstanding Entomologist.  Noong 2013-2014, naging Pangulo din sya ng Pest Management Council of the Philippines, ang Pambansa at pangunahing sanggunian sa mga isyu ng siyentipikong pananaliksik, pagkontrol at pamamahala ng mga peste, sakit, at mapanirang damo sa agrikultura at pamayanan. The fifth woman to become President of that prestigious national professional organization. Upang ilarawan ang kanyang pananaw sa ugnayan ng siyensya at mga siyentista ng Entomology at ng Pest Management sa pangkalahatang layunin ng pag-unlad ng ating bayan at kagalingan ng mga mamamayan, lalo na ng mga magsasaka, hayaan ninyong basahin ko ang bahagi ng kanyang Opening Remarks noong 2014 PMCP Conference: “This year’s conference theme “Harnessing Plant Science, Biotechnology, and Organic Approaches for Effective Pest Management” demands the commitment from the scientific community to develop and adopt different approaches in combatting pest problems due to climate change . . . The PMCP Conference is very important for the crop protection sector because it is an opportune time to update and expand our knowledge and horizons and share experiences in public and private institutions, recognizing outstanding institutions and outstanding members and their accomplishments . . .”  At kahit natapos na ang kanyang mga termino bilang pinuno sa PAE at PMCP, hindi roon natapos ang kanyang suporta at pakikilahok sa mga gawaing pang-organisasyon. Ang kanyang mga payo at tulong sa mga sumunod na pinuno sa maraming aspeto ay naging mahalagang ambag sa patuloy na magandang pagsulong ng PAE at PMCP.

31964097_2067735656816761_2781849746388549632_n
Joy (Dr. Jocelyn E. Eusebio, center), sitting with the other Past Presidents of the Pest Management Council of the Philippines during the Opening Ceremonies of the 50th PMCP Anniversary and Annual Scientific Conference held last May 8-11 at the Mansion Hotel, Iloilo City

Kagabi narinig ko ang mga pahayag ng kanyang mga kapatid, mga anak, mga pinsan at iba pang kaanak. Hanga ako kung paano nya nagampanan nang buong-husay ang pagiging Direktor ng isa sa mga lalong mahalagang sangay ng PCAARRD, kawani sa gobyerno at serbisyo sibil, kasama naming sa siyensiya ng entomolohiya at agrikultura, pinuno at aktibong kasapi ng PAE at PMCP, kasabay ng pagiging mabuting ina at asawa, anak, pinsan, kapatid, kamag-anak, kaibigan. Noong nakaraang Mayo sa Iloilo kasama siya sa aming pinarangalan bilang Past PMCP President. Sa naturang programa, nabanggit ko sa aking closing remarks at maging sa aking talumpati ng pagtanggap sa pagiging kasalukuyang Pangulo ng PMCP, na lahat silang mga naging PMCP Presidents, sa wikang Ingles – “had worn shoes that are too big, too great to fill.” Siguro hindi lang “shoes” o sapatos ang mga isinuot ni Doc Joy sa kanyang paggampan sa maraming naging papel nya sa buhay. Siguro, may sombrero, may kwintas, scarf at marami pang iba, pero wag nating kakalimutan, isinuot nya ang lahat ng iyon ng may “poise” at “style” – alam nating lahat na elegante at fashionista si Doc Joy.

Sa bandang ito ng aking pahayag, hayaan po ninyong magbanggit din ako ng kaunti tungkol sa aming pagkakaibigan. Kumare ko po si Doc Joy. Ninang po siya ng aming bunsong anak ni Dr. Merdelyn C. Lit. Sa bawat tagumpay ng aming mga anak, hindi lang ng kanyang inaanak, masaya s’yang nakikibahagi sa aming kaligayahan, at may minsan ay may halo pang biro, na ‘mana sa ninang’ sabay “apir” with her matching signature big smile.

Noong una ay hindi naman kami talaga close, pero nitong mga nakaraang taong lalo na sa pagtingkad ng naging problema natin sa cocolisap, naging malaking encouragement at hindi matatawarang suporta ang kanyang mga payo, puna at mga mungkahi sa pagsulong ng mga pananaliksik at pagsusuri para sa kagyat at pangmatagalang solusyon sa problema ng mga magniniyog. Siguro alam ng marami sa inyo kung gaano kadalang ang suporta sa mga research projects para sa mga tulad kong taxonomist. Nagkakasya na ang mga guro namin sa mumunting grasya. Subalit sa mga tips nya at sa tulong ng tambalan niya at ng ating butihing Executive Director na si Dr. Rey Ebora, nagkaroon ako sa kauna-unahang pagkakataon sa mahigit 30ng taon ko sa Unibersidad ng Pilipinas ng isang PCAARRD-funded project. Kasama sa mga accomplishment ng naturang project, may mga nadiskubre kaming ilang bagong uri o species ng mga scale insects. Bilang pagkilala sa kanyang suporta hindi lamang sa akin kundi kabuuan ng Philippine Entomology at Agricultura, isa sa mga bagong species ay ipapangalan namin sa kanya.   Sorpresa sana ito, kaya nga lang, nakakalungkot hindi na nya iyon mababasa o makikita. Ganunpaman, magsisilbing permanenteng tatak at pagkilala iyon ng kanyang mahalagang suporta at kontribusyon bilang isang entomologist at science administrator para sa siyensya ng entomology, pest management at agriculture.

Sa panghuli, salamat Mareng Joy sa maraming likes at hearts sa aking mga post sa fb, lalo na ng malaman mong ako pala’y hindi lang scientific papers ang sinusulat kundi pati mga tula. Para sa ‘yo Mareng Joy, pakinggan po ninyo itong aking munting nakayanang tulang dalit*:

Screen Shot 2018-11-09 at 9.11.56 PM

Her life was an outstanding performance that deserves no less than a standing ovation. Isang kahanga-hangang tao, babae, ina, kapatid, mabait na boss, leader, at marami pang iba, ang ating kaibigan – Dr. Jocelyn “Joy” Eusebio Eusebio. Palakpakan po natin.

Maraming salamat po.

– Jun Lit        

*dalit – a style of poetry that flourished early in the Tagalog Region of the Philippines, where each stanza is composed of four rhyming lines, each line with eight syllables.

Note: The poem “Dalit-Pasalamat” has been published in Hello Poetry and here is the link: https://hellopoetry.com/poem/2815183/dalit-pasalamat/.

English Translation of the Poem:

for Joy EPoem of Thankfulness –

Life is a trek, a long journey
Once, in same lap and step, were we
Your big helping hand was ready –
To serve was what we both did see.

The knowledge that insects inspired
Became the key to friendship fired
Served as the bridge linking and wired –
Science that serves people, aspired.

To you our dear departed friend,
Our thanks to you, forever spend.
You are Joy, joy you did extend
We won’t forget you till the end.

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s