Entomolohiya sa Panahon ng COVID-19 – Ikalawang Bahagi: Ang mga lamok ba’y maaaring magdala ng SARS-CoV-2?

Sa unang bahagi ng seryeng ito, ibinahagi ko ang tanong na: Makakapagkalat ba ng SARS-CoV-2 ang mga insekto? Gaya ng nabanggit ko roon, mahirap sagutin ang tanong na ito sa ngayon. Unang-una, ang SARS-CoV-2 bago sa atin. Sa katunayan, ang naunang pansamantalang pangalan nito ay nCoV o novel coronavirus, ibig sabihin bago talaga. Sabihin pa, sinisiyasat pa ng syensya ang lahat nitong anggulo, at sa kabutihang-palad, tila napakabilis ng mabubuting kaganapan lalo na sa mga pinaka-kagyat ng aspeto. Pangalawa, wala pang hakbang tungkol sa pagtukoy at pagtalâ ng pagkakaroon o pagtataglay at ng tagal ng bisà ng mga kapurit ng bayrus sa mga panahanan (hosts) maliban sa mga tao, paniki o kabag, at mga balintong (pangolins) at sa ibabaw ng ilang material tulad ng mga plastik, tela, at metal. Karamihan ng mga mababasang artikulong may pagtalakay sa paksang ito ay mas malamang ang haka-haka at malimit ay nanghihikayat lamang ng mga kliyente o kostumer upang tangkilikin ang mga serbisyong pagpuksa ng mga peste. Sa kasalukuyang kalagayan ng ating ekonomiya, maaaring mabuting bahagi ng kalinisan ang pagpuksa ng mga pesteng kulisap, subalit hindi maaaring maging pangunahing pagkakagastusan ng nakararami.

Nabanggit ko na rin na layunin nitong serye ang makatulong mabawasan ang pag-aalala ng mga tao at nang sa gayon ay maituon ang pansin at gawain para makatugon sa panawagang ‘flatten the curve.’ Pansamantala ang mga sagot, pero ang maganda rito, pananaw ito ng isang dalubkulisap o entomologist – isang taong nag-aaral ng mga insekto. Nakabatay ang mga sagot sa mga pangkalahatang kaalaman tungkol sa buhay at gawi ng mga kulisap at ng mga papel na ginagampanan nila sa pagpapakalat ng sakit na nakakahawa, at sa ngayon ay kung anong alam na, kahit limitado pa, ukol sa mga sampol galing sa klinika na positibo sa coronavirus. Bagaman at pansamantala ang mga sagot, inihayag ang mga ito bilang mga pamunuhà o mga hypothesis. Kailangang subukan o testingin ang mga pamunuhà upang makakalap ng mga ebidensyang syentipiko o mula sa mga eksperimento, kung maaari ay isang koponang binubuo ng isang entomologist, medical epidemiologist, at molecular biologist-virologist.

Tingnan natin, mga lamok muna

May tatlo o higit pang sarihay o uri ng lamok, Aedes aegypti (L.), Aedes albopictus (Skuse), at Culex spp., ang kabilang sa mga insektong sumisipsip ng dugo at kilalang nagdadala ng mga kurubyo o bayrus na sanhi ng mga sakit sa tao. Ang mga sarihay ng Aedes ay nagdadala ng mga bayrus ng dengue, zika, at chikungunya habang ang mga Culex ay nagdadala ng bayrus ng sakit na Japanese encephalitis. Ang mga Anopheles naman ay nagkakalat ng mga parasitikong Plasmodium na sanhi ng malarya, at ang iba pang lamok ay may taglay na mga parasitikong ulay na sanhi ng filariasis o elephantiasis.

Para maging tagakalat o tagasalin ng mga bayrus ang mga lamok, kailangang maraming kapurit ng bayrus sa dugo ng maysakit. Tatalakayin natin ito sa ikatlong bahagi ng seryeng ito. Sa ngayon, tingnan muna natin ang pag-aaral nina Wang atbp. (2020) na nagbahagi ng mga antas ng pagkapositibo sa SARS-CoV-2 ng iba’t ibang sampol mula sa mga klinika:

Batay sa mga datos, isang porsiyento lamang ng mga sampol ng dugo ang nagpositibo sa coronavirus. Bagaman nagbabadya rin ito na may mga pagkakataon na ang impeksyon ay systemic o sa buong katawan, ang mababang antas ng pagkapositibo sa mga sampol ng dugo ay maaaring nagsasaad rin, hindi nga lang awtomatik, ng mababang posibilidad ng paghawa sa pamamagitan ng dugo at nagpapahiwatig din ng mababang posibilidad na maging tagapagkalat ang mga lamok. Gayunpaman, ang pamunuhang ito ay nangangailangang makumpirma ng ebidensyang molekular.

Aedes albopictus, isang uri ng lamok na katulad ng lamok-dengue na Aedes aegypti. Hindi inaaasahan na makakapagkalat sila ng virus na sanhi ng COVID-19. Larawang kuha ni Cristian C. Lucañas

Jun Lit (Ireneo L. Lit, Jr.)

Entomology in the Time of COVID-19 – Part 2: Can mosquitoes spread SARS-CoV-2?

In Part 1 of this series, I posed the question: Can insects spread SARS-CoV-2? As I have mentioned there, that question is difficult to answer at present. First, SARS-CoV-2 is new to us. In fact, its original tentative name was nCoV, for novel coronavirus. Needless to say, science is still investigating all its angles, and fortunately, developments are relatively rapid particularly in the most urgent aspects. Second, there are no efforts yet on detecting and documenting the occurrence and viability of the virus particles on hosts other than humans, bats, and pangolins and on certain surfaces like plastics, fabric and metals. Most of the existing articles on the topic are speculative and largely leaning to enticement of clients to patronize pest control services. Under the present economic situation, pest control would be a good part of sanitation but could not be a priority for most people.

This attempt to give answers also aims to help lessen people’s worries so that they may concentrate on the more salient measures to help ‘flatten the curve.’ The answers here are tentative, but the good thing is, they are from the viewpoint of an entomologist – a person who studies insects. The bases of the answers given below are general knowledge on the biology of these insects, their known roles and behaviors in relation to spread of communicable diseases, and the available, albeit limited, data on incidence of the virus in clinical samples. These answers are also admittedly largely speculative but effort is made to provide statements of hypotheses. These hypotheses may be or, rather, need to be tested and supported with empirical evidence hopefully by a team – at least an entomologist, a medical epidemiologist, and a molecular biologist-virologist.

So let us see, the mosquitoes first

At least three species of mosquitoes, Aedes aegypti (L.), Aedes albopictus (Skuse), and Culex spp., are among blood-sucking insects known to be vectors of human disease-causing viruses. Aedes species are carriers of dengue, zika, and chikungungya viruses while Culex species are known to transmit Japanese encephalitis virus. The other well-known medically important mosquitoes are Anopheles spp., vectors of Plasmodium spp. that cause malaria, and various species that can carry filarial parasites.

For mosquito vectors to be able to spread viruses, the pathogen must be highly present in the host’s blood. The details of this will be discussed in Part 3 of this series. In the meantime, let us examine what is currently the known incidences of positive detection of SARS-CoV-2 in clinical samples as provided by Wang et al. (2020), thus:

Based on their data, only one percent of blood samples tested positive for the coronavirus. Although this indicates that the viral infection may be systemic, the low positivity rate for blood samples may also suggest, but not automatically, low possibility of transmission through the blood and by inference, low possibility of blood-sucking mosquitoes becoming vectors. However, this is still a hypotheses, and it requires confirmation with molecular evidence.

One of the dengue mosquitoes, Aedes albopictus – this one has just emerged from its pupa. Photo credits: Cristian C. Lucañas

Jun Lit (Ireneo L. Lit, Jr.)

Entomolohiya sa Panahon ng COVID-19 – Unang Bahagi: Maikakalat ba ang SARS-CoV-2 ng mga insekto?

Paunawa: Minabuti ko pong ihiwalay itong bersyong Tagalog doon sa nauna kong sinulat sa Ingles.

Ang mundo kung saan tayo ipinanganak at kung saan tayo, sa kabutihang palad, ay buháy at patuloy pa ring nabubuhay, ay binabago ng isang bayrus (o virus) na mas malaki kung ikukumpara sa iba pang mga bayrus. Ang buong pangalan nito sa siyensya ay Severe acute respiratory syndrome coronavirus 2. Ang pinaikling tawag dito o kumbaga sa tao, palayaw, ay SARS-CoV-2, tugma naman sa sakit na dulot nito na kilala sa Ingles bilang coronavirus disease 2019 o ang COVID-19, na kung minsan ay tinatawag ding China virus o Wuhan virus. Ang sukat nito ay 50-200 nanometro (nm). Ang isang nanometro ay isang ika-sambilyong bahagi ng isang metro. Iyong bayrus na sanhi ng naunang SARS o severe acute respiratory syndrome na kumalat nang pasambulat sa buong daigdig noong 2002 hanggang 2004 ay may sukat na 80-90 nm at itinuturing na ibang lahiay (o strain) ng parehong sarihay (o species) ng bayrus.

Katulad ng iba pang mga bayrus, ang SARS-CoV-2 ay di-buháy. Ganunpaman, sa oras na makapasok ito sa loob ng mga sihay (cells) ng host, mistulang nagiging bihag nito ang mga makinaryang molekular ng napasukang sihay at tila nag-aasal na may búhay ang bayrus. Sinasakop ng bayrus ang mga dating normal na proseso ng pagkopya, pagtalâ at pagsasalin ng kamani (o gene) na maaaring DNA o RNA. Samakatuwid, pangunahing susi sa paglaban sa COVID-19 ay ang mapigilan ang pagpasok ng bayrus na SARS-CoV-2 sa loob ng mga katawan at mga sanugnayan ng mga bahaging panloob (internal organ systems) ng mga tao.

Kasado na at ipinapatupad na ang mga hakbang upang pigilan ang pagkalat ng bayrus na ito sa loob ng mga pamayanan. Datapuwa’t, may mga seryosong katanungan kaugnay ng mga lokal na kondisyon, partikular na sa loob at paligid ng mga komunidad ng mga maralitang tagalunsod. Una ay ang kasikipan at pagkakadikit-dikit, isang bagay na hindi maiiwasan sa mga lubhang mataong pamayanan. Ang isa pa ay ang mas mataas na populasyon ng mga pesteng insekto o kulisap sa mga pamamahay at karatig na lugar, na dulot na rin ng sari-saring gawain o aktibidad ng mga tao roon. Dahil hindi na maiiwasan o maitatanggi ang ganitong kalagayan ng kapaligiran sa mga naturang lugar, hindi iilan ang mga nagtanong: Maaari bang maikalat o maisalin ng mga insekto ang salot na bayrus na ito? May batayan ang mga ganitong pag-aala-ala dahil alam na ng mga tao na may mga kulisap tulad ng mga lamok na nagdadala ng mga sakit at ang iba namang peste ay nakakapagpakalat ng mga mikrobyong nagdudulot ng sari-saring karamdaman.

Sa ngayon ay mahirap sagutin ang tanong na “Maikakalat ba ng mga insekto ang SARS-CoV-2?” Bago sa ating lahat ang SARS-CoV-2. Magkagayon man, malinaw na may pangangailangan masagot ang ganitong mga katanungan, upang mabawasan kahit paano ang marami ng alalahanin ng mga tao at upang lubusang maituon nila ang pansin at pagkilos sa mga kagyat at pinakamahahalagang hakbang para mapabagal ang pabulusok na pagdami ng mga nagkakasakit ng COVID-19. Sa seryeng ito, pagsisikapan nating sagutin ang katanungang ito at mga kaugnay na isyu, kahit mga pansamantalang kasagutan muna, mula sa pananaw ng isang dalubkulisap o entomologist.

Nawa’y basahin ninyo ang mga paliwanag sa seryeng ito sa mga susunod na araw. Salamat po.

Jun Lit (Ireneo L. Lit, Jr.)

Entomology in the Time of COVID-19 – Part 1: Can insects spread SARS-CoV-2?

The virus that is changing the world where we were born and are now, so far, luckily still alive and living in, is a relatively large particle, that is, compared to other viruses. Its full scientific name as a virus is Severe acute respiratory syndrome coronavirus 2. The convenient acronym is SARS-CoV-2, matching that of the disease it causes, coronavirus disease 2019 or COVID-19, sometimes known by its other popular names China virus or Wuhan virus. Its size ranges from 50-200 nanometers. The one that causes severe acute respiratory syndrome (SARS) which had an outbreak in 2002-2004 ranges from 80-90 nm and is considered a different strain of the same virus species.

Like all viruses, SARS-CoV-2 is non-living. However, once it is able to go inside the cells of its host, the cells’ molecular machineries are effectively hostaged and the virus particles behave as if living. The virus takes over the otherwise routine processes of gene replication, transcription and translation. The major key, therefore, to combat COVID-19 is to prevent entry of SARS-CoV-2 into the bodies and organ systems of humans. 

Measures to arrest community transmission of the virus are already being implemented. However, serious concerns have been raised about the local conditions particularly within and in the vicinity of urban poor communities. One is the congestion, something that is inevitable in densely populated human settlements. The other is the relatively higher incidence of urban or domiciliary insect pests, a consequence of human activities therein. Realizing this “given” urban environmental conditions, not a few have asked questions: Can insects transmit or help spread the dreaded virus? These concerns are valid because people are now aware that insects like mosquitoes are vectors of deadly diseases while other pests associated with filth and human wastes can harbor pathogenic microorganisms.

The question of whether insects can spread SARS-CoV-2 or not, is difficult to answer at present. SARS-CoV-2 is new to us. Yet, obviously, there is a need to give answers to lessen people’s worries so that they may concentrate on the more salient measures to help ‘flatten the curve.’ In this series, we will attempt to provide some answers, albeit tentative, from the viewpoint of an entomologist.

I hope you’ll read this series in the coming days. Thank you.

Jun Lit (Ireneo L. Lit, Jr.)

Nalakdawan ng Lockdown [Skipped by Lockdown]

Dedicated to the memory of Filipino doctor-heroes – among them Dr. Salvacion “Sally” Rodriguez Gatchalian, Israel Bactol, Marcelo Jaochico, Greg Macasaet, Raul Jara, Rose Pulido, et al. and the rest of the health warriors fighting at frontlines – medical doctors, nurses, medical technologists, and other health workers who are risking their lives in this war where we don’t and can’t see the enemy – Coronavirus and the disease it causes – COVID-19.

Love in the Covidocene

I thought I’d start writing a story with the title “Love in the Time of COVID19” but somebody else has done that when I searched through Google, although I haven’t seen or read that yet. It would have been a way of honoring an author, a Nobel laureate, Gabriel Garcia Marquez, who wrote “Love in the Time of Cholera.” I ended up writing a free verse and used instead “Covidocene” following the present epoch acknowledged as the Anthropocene, when lots of human-made disasters occur, foremost of them the current Climate Change events. I was almost tempted to use “Wuhan Virus Era.” That would have been an accurate way of attributing its origin to Wuhan, China.

My guess is that this time of our lives, that supposedly started in 2019, actually began much earlier, and it will possibly, nay probably, last long, and the changes it will cause on the way we view things, and the way we deal with our loved ones, friends, colleagues, workmates, and others in our local societies, as well as our appreciation or diminished respect for national governments, and relationships among nations and peoples of the world will be really great. It will not be the same after all these, pandemic and pandemonium, are over.

Today, 21 March 2020, UNESCO’s declared World Poetry Day, I wished I could have written a piece in Tagalog (not Filipino), my mother tongue, but unconsciously, thoughts flowed more freely in English. And so here it is.

Love in the Covidocene can also be accessed through: https://hellopoetry.com/poem/3768509/love-in-the-covidocene/

COVID19 Crisis – Some Thoughts [Krisis COVID19 – Mga Ilang Kaisipan]

At the beginning of the term of the incumbent government, and in the midst of the present COVID19 crisis, particularly in our country, the Philippines, we often hear those who govern us, as well as their supporters, invectives and all sorts of blame and tirades targeting the supposed oligarchs. However, if we look at their present programs and plans (if there are any) and actual actions, policies and executive issuances, the anti-oligarch stance is nothing but propaganda, if not plain lip service. The poor, often used as excuse or justification to capture funds, are mere abstractions, it seems. At best, figments of their imagination or fictional characters in fairy tales. Who are the poor and what is poverty? It would take more than a book or may be more than one semester of a full college course to fully explain who they are. The utter disregard for the homeless, the lowest of the low-income, daily wage, hand-to-mouth, and other subsistence earners, those on no-work-no-pay schemes, all demonstrate an interwoven lack of grasp, indifference, and genuine concern for what doctrines have addressed ‘the least of our brethren.’

What can we expect from politicians and bureaucrats who are detached from social realities and ignorant, if not totally devoid, of scientific and functional literacy? A crisis like this is like purifying precious metals – we now see that most of them are only after enriching themselves and their pockets. What gives us hope are the few who still shine and prove to be gold – nuggets in a mountain of trash. We will survive and I hope our people learn the most important, the most essential lessons.

[Sa simula pa lamang ng termino ng nakaluklok na pamahalaan at sa kalagitnaan ng kasalukuyang krisis ng COVID19, lalo na sa ating bansang Pilipinas, malimit nating naririnig mula sa mga nanunungkulan at kanilang mga taga-suporta ang mga maaanghang na salita, paninisi at sari-saring tirada sa mga kabilang sa oligarkiya. Subalit kung titingnan at susuriin ang mga programa at plano (kung meron man) at mga totoong galaw, polisiya, patakaran at mga kautusan, ang kontra-oligarkiyang asta ay kitang-kitang walang iba kundi propaganda, kung hindi man, pabalat-bunga o konswelo-de-bobo. Ang mga mahihirap, na laging ginagamit bilang dahilan o sangkalan para makakuha ng bultu-bultong pondo, ay pawang abstrakto o konseptong nasa alapaap at mahirap unawain. Sa sukdulan, tila kathang-isip ang kahirapan o mga tau-tauhan sa mga alamat o kwentong bayan lamang ang mga mahihirap. Sino nga ba ang mga mahihirap at ano ang kahirapan? Kulang ang isang aklat o kaya’y isang buong kursong pangkolehiyo sa loob ng isang semestre upang maipaliwanag kung sino o ano nga ba sila. Ang hindi pagsasa-alang-alang ng mga walang tahanan, ng mga pinakamababa ang kita, mga arawang kita, mga isang-kahig-isang-tuka, yaong pag hindi nagtrabaho ng isang araw ay walang iuuwing pambili ng pagkain – ay pawang nagpapatunay ng isang masalimuot na kawalan ng paggagap, ng kawalang-pakialam, at kawalan ng tunay na malasakit sa mga sinasabing ng mga kasulatan na ‘pinakamaliliit sa ating mga kapatid.’

Anong maaasahan natin sa mga pulitiko at burukratang hindi maka-ugnay sa mga katotohanan sa lipunan at mangmang, kung hindi man, hungkag sa kaalaman’t pang-unawang siyentipiko at mapanuri’t mapanlikha? Ang isang krisis na tulad nito ay katulad ng pagdadalisay ng mahal na mga metal – nakikita natin ngayon na karamihan sa kanila’y walang ibang hangarin kundi payamanin ang sarili nila’t kanilang mga bulsa. Ang tanging nagbibigay sa atin ng pag-asa ay ang iilan na kumikinang pa rin at napapatunayan nating mga piraso ng ginto – mga butil sa bundok ng basura. Malalampasan natin ito at umaasa akong matututunan ng sambayanan ang mga pinakamahalaga at pinakamakatuturang leksiyon.]